Friday, August 29, 2014

Ang Kaibigan

Ang kaibigan ay isang bahagi ng buhay ng isang tao. Minsan nakapagpapawala ng sinasabi nilang "boring".

At kapag wala ang ating pamilya, ang kaibigan ang ating nilalapitan lalong lalo na kung may problema.

Pero ang kaibigan pala ay laging umiintindi na kahit wala kanang gaanong time sa kanila, hindi sila nang-iiwan. Andiyan lang sila naghihintay na muling mabuo ang dating pagkakaibigan.

Pero sino ba ang magaling na tao kung walang kaibigan? Wala diba? Ang taong walang kaibigan ay ang mga taong walang paki-alam sa mundong kanilang ginagalawan.

Na sarili lang nila ang kanilang iniisip, walang paki-alam sa buhay ng ibang tao.

Pero kinakailangan pala nilang mapag-isa dahil takot na silang masaktan. Dahil nga ang kaibigan daw lalong lalo na ang kaibigang babae natutunang mahalin sa hindi maipaliwanag na dahilan. At sa huli iniiwanan nalang.

Sabi nga nila, "Ang pagkakaibigan pwede matuloy sa pagmamahalan, pero ang nawalang pagmamahalan mahirap nang ibalik sa pagkakaibigan."

Kaya minabuti nalang ng ibang tao na mag-isa para hindi sila masaktan o takot lang talaga silang masaktan.

Ako, sa buhay ko, kay daming dumaan na importanteng tao pero iniiwanan lang nila ako.

Pero okey lang yon, ganyan naman talaga ang buhay, minsan iniiwanan ka at minsan naman ikaw ang nang-iiwan. May nawawala, meron ding dumadating.

Pero ang importante hindi tayo nawawalan ng pag-asa.

Smile kalang lagi. ^_^

1 comment:

  1. Ok lang yan Kung sinukaman :) may mga tao din naman na handa sila para sayo at gusto ka maging kaibigan hindi lahat ng tao ganyan maliban sa mga babae hindi ko alam ang trip ng mga babae basta alam ko importante sila sa akin :] Share ko lang po btw

    ReplyDelete