Friday, September 5, 2014

Ang Ilaw ng Tahanan

Ang ina ang ilaw ng tahanan, gumagabay sa mga anak, nagtuturo ng mga magagandang asal, nagbibigay ng mga payo, gumagawa ng mga paraan kung papaano mapadali ang mga gawain sa bahay, ginagawa ang lahat para sa ikabubuti ng pamilya at higit sa lahat, pamilya ang laging unang iniisip.

Kay laki ng ginagampanan ng isang ina sa pamilya diba? Ang swerte kaya ng bawat tao ng bawat pamilya pag may ina pang nagbabantay sa kanila.

Pero sa kinalakihan kong pamilya, noong nakikita ko pa ang ina ko, hindi ganyan ang ina ko. Palagi nalang niya akong binabalewala at kapag may nagawa lang akong pinakamaliit na hindi niya maintindihan, parang maliit nalang ang kulang, papatayin na ako.

Para bang napakalaki na ng aking pagkakasala sa kanya. Wala nalang akong magawa, iiyak na lamang. Pag may problema ako, wala akong mapagsabihan dahil baka wala namang makikinig.

Iniwanan ako ng aking ina dahil sa panibago niyang pamilya at ako nag-iisa, nangungulila sa pagmamahal, pagmamahal ng isang ina na ipinagkait sa akin.

Minsan pag nag-iisa ako, iniisip ko siya. Tinatanong ko ang aking sarili kung ano rin kaya ang iniisip ngayon ng aking ina? Sabay sakit ng aking dibdib kasi nga sa sakit na nadadama ko sa tuwing maiisip ko siya. Ang ginagawa ko nalang, nililibang ang sarili para maibsan ang sakit. Pero sa likod ng buhay na 'to, hindi ako nawala sa sarili hindi ako naging masamang tao at higit sa lahat, mabubuti ang mga naging kaibigan ko. Na kahit ganito ako, may lugar parin sa aking puso ang pagiging masayahin sa kamay ng aking mga kaibigan.

Ikaw, ang swerte mo kaya nuh? May inang nagbabantay sayo, may nag-aaruga at may gumagabay.

Kaya paka-ingatan mo ang iyong ina hanggat andiyan pa siya. Bigyang halaga ang mga pagpapayo at pag-aasikaso niya sayo at susuklian mo ng buong-buo kung ano man ang kanyang nagawa sa buong buhay mo.

Dahil nga, kahit na anong gawin mo, sa huli, sa iyong ina ka parin uuwi. Pahalagahan mo ang iyong ina.

Monday, September 1, 2014

Kakulangan ng Pamilya

Ang pamilya daw ang sentro ng mundong ating ginagalawan. Nagiging matatag tayo dahil andyan palagi ang ating pamilya. Ang ating pamilya ay dapat daw may sapat na oras sa kanilang mga anak at iba pang importanteng tao na nakapaligid sa kanila.

Pero bakit may mga taong masasama na kahit kompleto at may sapat na oras ang kanilang pamilya sa kanilang buhay? Ano ba talaga ang plano nila sa kanilang buhay? Bakit gumagawa sila ng ikasasama ng kanilang buhay?

Marami akong katanungan sa aking sarili dahil nga may pagkukulang ang aking pamilya sa akin. Iniwan na ako ng aking ina at hanggang ngayon hindi ko naman kilala ang aking ama. Sabi daw nila ginahasa daw ang aking ina at walang sino man ang nakaka-alam kung sino at ano ang pangalan ng aking ama. Lumaki ako nang nasa pangangalaga ng aking lolo at lola. Kung hindi dahil sa kanila ano kaya ako ngayon? Malaki ang pasasalamat ko sa kanila dahil pinalaki ako nila ng mabuti. Na kahit ganito lang ako, mabuting tao naman ako.

Masasabi kong minsan may pamilyang masasama at may hindi. Bakit? Sa mga masasamang pamilya, tinuturuan nila ang kanilang anak ng masasamang gawain tulad ng paggamit ng masamang druga. Meron ding pamilyang puro magnanakaw, isang buong pamilya. Pero ginagawa lang nila ito dahil nga gusto nilang mabuhay pa ng matagal na kahit ganyan ang kanilang mga gawain, kumakapit nalang sila sa patalim para may makain.

Sa mga mabubuting pamilya na gumagawa ng mabubuting gawain tulad ng pagtulong sa mga nangangailangan sa kanila na sana hindi sila hihinto sa pagtulong na kahit gaano pa kahirap ang ating lipunan ngayon, handa silang tumulong.

Marami parin akong katanungan sa aking sarili, isa na ang pagiging hindi kompleto ang pamilya kung bakit nagkakamali tayo sa mga bagay-bagay na ating ginagawa araw-araw at kung bakit nakakasakit tayo sa ibang tao.

Siguro nga'y ang dapat gawin ng bawat pamilya ay magtulong-tulong, mag-unawaan at magbigayan para sa ikabubuti at ikauunlad ng samahang pamilya.

Kung sino man ang nagbabasa ngayon ng artikulong ito, sana magiging daan ito para mapabuti ang pamilyang sinimulan mo at sa darating na panahon na magkakaroon ka ng sarili mong pamilya.

Friday, August 29, 2014

Ang Kaibigan

Ang kaibigan ay isang bahagi ng buhay ng isang tao. Minsan nakapagpapawala ng sinasabi nilang "boring".

At kapag wala ang ating pamilya, ang kaibigan ang ating nilalapitan lalong lalo na kung may problema.

Pero ang kaibigan pala ay laging umiintindi na kahit wala kanang gaanong time sa kanila, hindi sila nang-iiwan. Andiyan lang sila naghihintay na muling mabuo ang dating pagkakaibigan.

Pero sino ba ang magaling na tao kung walang kaibigan? Wala diba? Ang taong walang kaibigan ay ang mga taong walang paki-alam sa mundong kanilang ginagalawan.

Na sarili lang nila ang kanilang iniisip, walang paki-alam sa buhay ng ibang tao.

Pero kinakailangan pala nilang mapag-isa dahil takot na silang masaktan. Dahil nga ang kaibigan daw lalong lalo na ang kaibigang babae natutunang mahalin sa hindi maipaliwanag na dahilan. At sa huli iniiwanan nalang.

Sabi nga nila, "Ang pagkakaibigan pwede matuloy sa pagmamahalan, pero ang nawalang pagmamahalan mahirap nang ibalik sa pagkakaibigan."

Kaya minabuti nalang ng ibang tao na mag-isa para hindi sila masaktan o takot lang talaga silang masaktan.

Ako, sa buhay ko, kay daming dumaan na importanteng tao pero iniiwanan lang nila ako.

Pero okey lang yon, ganyan naman talaga ang buhay, minsan iniiwanan ka at minsan naman ikaw ang nang-iiwan. May nawawala, meron ding dumadating.

Pero ang importante hindi tayo nawawalan ng pag-asa.

Smile kalang lagi. ^_^

Thursday, August 28, 2014

Ang Pagiging Matulungin

Kay sarap pala ng buhay kapag nakakatulong ka sa ibang tao. Yon bang wala kang hinihinging kapalit na handa tayong tumulong kahit na anong mangyari.

Kay gaan sa dibdib, lagi kang masayahin, marami tayong kaibigan at marami ang humahanga.

At kapag ikaw naman ang nangangailangan, handa rin silang tumulong kahit hindi tayo humihingi ng tulong.

Ikaw, matulungin kaba? O wala kang paki-alam sa buhay ng ibang tao?

Magbago kana hanggat maaga pa, para patawarin ka ng poong maykapal.

Comment lang at e-share mo para sa mga taong may mabuting puso at ugali.